Ikaw Ay Taong-Thanatos

Kung hanap mo'y kariktan ng hiwaga at paghamon sa panganib at pakikipagsapalaran.  Kung hilig mong magdiwang ng kuwaresma at ng Halloween at ng Todos los Santos at ng mga mardi gras.  Kung naaakit ka ng katleya at liryo at dama de noche, ng onis at granate, ng pews at gamusa at brokada, ng mga nobelang ditektib at horror, ng hard rock, mga boxing at wrestling, ng ingay ng barkada.  Kung nalilibang ka ng mga ronda at rambol at ghost-hunting at mountain-climbing at karera, ng jigsaw puzzles at mga karnabal, ng antiques at mga sandata at mga motorsiklo at mga sasakyang mabibilis, ng mga night club at beer garden at bar, kung kinatutuwa mo ang itim at abuhin at pilak.  Kung paborito mo si Pablo Picasso at si Batman at si Santa Juana at si Nardong Putik at si Maria Makiling at si Dyesebel.  Kung ibig mong tanawin ay ilang na lugar, kabilugan ng buwan, kagubatan, kulog at kidlat at bagyo at ulan.  Kung nakakikita ka ng natatanging kagandahan sa peligro at sa kabaliwan.  Ikaw ay taong-Thanatos.