Ikaw Ay Taong-Eros
Kung ang hanap mo ay sigla ng buhay at pag-ibig at kaligtasan ng daigdig. Kung hilig mong magdiwang ng Pasko, at ng St. Valentine's, at ng mga birthday at anniversary at kasalan at kung anu-anong kapistahan. Kung naaakit ka ng rosas at margarita at baby's breath, ng perlas at brilyante, ng lace at satin at seda, ng romance at melodrama, ng soft music, ng basketball, ng masasayang mga bata. Kung nalilibang ka ng mga reunion at excursion at magugulong pagtitipon, ng ice cream at kendi, ng mga lobo at payaso at cake, ng stuffed toys, ng mga sorpresa at regalo, ng pizza parlors at mga disko. Kung kinatutuwa mo ang pula at puti at ginto, ang mga pangarap ng puso, ang mga mapipintog na toy terrier at mga kuting. Kung paborito mo si Henri Matisse at si Mary Cassatt at si Walt Disney at si Florante at si Juan Tamad at si Darna. Kung ibig mong tanawin ay langit na bughaw, liwanag ng araw, bahaghari, tabing-dagat, sariwang kalikasan. Kung lagi kang nakangiti't likas kang mapagmalasakit sa kapuwa. Ikaw ay taong-Eros.